Saturday, September 1, 2012

For the First Time




"The first time someone shows you who they are, believe them." - Maya Angelou

Hi all. Hmm. Let me start by introducing myself to you readers. I'm James-Andrew Rodriguez Sarmiento. Opo. May dash(-) talaga 'yung pangalan ko.Ewan ko ba dun sa nagtype nung pangalan ko sa birth certificate ko.Basta. Hindi na namin pinabago eh. My friends call me James, Hames, James-Andrew, Drew, Droid,etc. but what I like the most among all my nicknames is "Andrew"

Hmmm... Let me tell you some information about me. I graduated at San Ildefonso Learning Center in my elementary. Valedictorian ako nun at kami 'yung unang batch na gumraduate.Konti nga lang kami nun eh. Private school kasi. I took my secondary at Marcelo H. del Pilar National High School and I am included in the top section(Engineering and Science Education Program). Cream of the Crop ika nga nung mga sir at ma'am namin. Sapphire, Narra, Gold, Einstein-yan 'yung mga sections ko from 1st year to 4th year. Noong 1st year lang ako napunta sa second section ng science high. Apat na taon lang ang high school pero ang hirap ng mga pinagdaanan ko. Tama nga sila. Pantay-pantay lang sa high school lalo na sa science high. Lahat ng kaklase mo matatalino. Pressured man na makasama sa honor roll every quarter, syempre hindi parin nawalan ng time sa mga kaibigan. Doon sa high school ko nakilala'yung mga tunay kong kaibigan. Doon naranasan na ma-fall at ma-heart broken. Doon naranasan mag-cram ng sobra, mawalan ng tulog, at bumagsak sa ibang exams. At higit sa lahat, doon ko naranasan na ang buhay ay hindi simple, marami ka pang hindi alam, marami ka pang pagdaraanan. 

My senior year was the most challenging. Madaming pinagdaanang problema 'yung section namin. Issue dito. Issue diyan. Andyan 'yung sa dalawang classmates ko na naging controversial sa school. Andyan 'yung muntik na kaming mawalan ng adviser. Andyan 'yung problema sa Performing Arts Group.Andyan din 'yung issue sa isang pageant na managed ng section namin. AT madami pang iba na sisiguraduhin kong hindi gugustuhin na maranasan ng ibang section. Ang init ng mga mata saming lahat. Buti naka-survive. It's more fun in Marcelo even though it's one of the most populated secondary school in the Philippines. Alam ko sa sarili kong hindi ko na I enjoyed my stay here despite sa mga problema. Oo nga pala. 13th Honorable mention lang ako nun. 41 kami sa section namin. Medyo controversial din yang ranking na yan. Alam ko sa sarili ko hindi lang yun ung dapat na sakin. But let's move on from that. Nakatapos din ng sekondarya. Approximately 2000 students kaming gumraduate. Kaya siyempre proud kaming lahatProud to be Del Pilarian!  

I'm now a freshman at University of the Philippines Manila at Ermita as a Bachelor of Science in Computer Science student. I'm just hoping that I can shift course and transfer at Diliman next year- BS Electronics and Communications Engineering. Woooh! Engineering at UP O.O Oh My. Mahirap nga yan! Pero sana magawa ko.

Transferring/shifting need high grades but unfortunately I 'm not sure if I'll be able to handle it. Thanks to Math 17 and Computer Science 11 for giving me sleepless nights, and days too. Haha! Sana man lang maka-tres ako sa Math o kahit higit pa. Hindi naman kasi ako magaling sa math. Pinilit ko siyang mahalin kaso ayaw niya din sakin. Sir Kristofer Dizon- he's our professor in Math 17. Icebreakers! He's cool and funny. He reminds me of Sir Paul-our English III teacher. Parehas silang ..... Basta! Sakin na lang un! 

But it seems like that CMSC 11 is like Math 17 for me. I just can't get it! But it feels good if you get the code every time you do it. Kaso madalas palpak. Hi Sir Dumanon! :))

Maybe History, Physics, General Science, and Technology and Livelihood Program(TLE)- especially Agriculture. But never MATH - and ComSci.

Bakit ko ba kasi naisipan na isulat 'yun sa UPCAT Form? HAHAHA!

Lucky for passing the Entrance.
Proud to be Maroon! Hindi po yung Maroon 5 na kumanta nung "This Love." Though that song is good. :DD

Taga-UP ako. Pero hindi pa naman ako masyadong rallyista gaya ni BLKD(Fliptop emcee, idol ko din). I just had one experience. From CAS Lobby to PGH Canteen. Wala kasi ung prof namin nun sa Comm I na si Sir ParasI had fun with my first experience. Masaya rin palang ipaglaban 'yung sa tingin mo'y tama.

Speaking of FIRST, I just want to expound and quote what this post is all about. I'm glad I just made my FIRST blog. Pagpasensyahan niyo na. First timer eh. " We just now got the feeling that we're meeting for the first time. Ooohh" Corny. Haha. Yeah. I got the idea on the song "For the First Time" by The Script.

First is synonymous to beginning. I just want to begin by introducing myself. I just stated where my mind FIRST learned lessons, values, info, etc.
I want you to have some background about me.
 

Tatak SILC. Tatak Marcelo. Tatak UP. Pero nagkakamali parin. Tao Lang. 

Thanks for having time reading this one. Sorry kung may wrong grammar. It's a blog, not an English class. :)))

Hope my blog will be successful. Beginners' luck?!


1 comment:

  1. Interesting read!
    It's cool how you can share your thoughts and experiences in a very natural way. It feels like you're in front of me, telling things. Haha
    Keep it up.

    ReplyDelete