Monday, September 17, 2012

From Sticks to Infinity

"The essence of mathematics is not to make simple things complicated, but to make complicated things simple" -S.Gudder 

Mathematics, ito 'yung kadalasang kinatatakutan ng mga estudyante. Ikaw ba? Aminin mo, na at one point in your life, natakot ka rin sa subject na ito. Sa tingin ko nga eh, kung may phobia lang na about fear of Mathematics, eh baka talo pa nun ung bilang ng mga Arachnophobic,Claustrophobic, at Acrophobic sa sobrang dami. At OO, isa ako sa mga may takot sa Math. Alam ko na minsan mapapaisip ka na lang sa sobrang hirap ng- "Kailangan ko ba 'to? Magagamit ko ba 'to pag bibili ako sa tindahan? Magagamit ko ba 'to pag nagmamaneho na ng kotse?" Minsan, I mean madalas pala, nung elementary and especially nung high school na ako, sumagi rin sa isip ko yang mga yan. Kaya siguro isa rin ito sa mga dahilan kung bakit hindi ko gaanong nagustuhan ang Math. Sige, ikukwento ko sa'yo  kung anung naging karanasan ko from elementary hanggang ngayong college na ako with Mr. Mathematics...

Noong nasa grade school pa lang ako, basic arithmetic pa lang 'yung tinuturo. Syempre, alangan naman mag trigonometry agad kami diba? Gusto ko pa yung Math nun. Pero ang favorite subject ko talaga ay Science. Basic pa lang kasi. 'Yung mga tipong gumagamit pa ako ng representation ng numbers by using STICKS. Yup. Sticks! Parang ganito. 2+3=??? | | + | | | = | | | | |. Tapos bibilangin mo yung sticks. So "5" na yung sagot. Madalas akong magganyan. Kaya puro sticks ung notebook ko nung elementary ako eh. Tapos kasama pa diyan ung mga nakakalokong word problems. Halimbawa na lang. "Pedro has 5 apples. Juan gave him another 2 apples. How many apples does Juan have now?" Diba wala na? Haha. Nahuli ba kita dun? Okay lang yan. Let's move on from that.

Hanggang tumataas 'yung baitang ko sa elementary, medyo humihirap na. Andun na 'yung mag-multiply at magdivide ka ng small numbers to large ones. May technique pa ngang tinuro ung mommy ko sakin na hanggang ngayon ginagamit ko pa. Yung multiplication of numbers from 5-10 gamit ung mga daliri mo. Kung hindi mo yun alam, walang kwenta 'yung childhood days mo. Joke! 

Nung elementary ko din naranasan ung problem solving na kelangan mo pang ilagay in complete format ung sagot mo. Hindi ko na maalala 'yung mga yun. Basta kadalasan, lima sila. Kabilang dun ung "What is asked?", "Operations to be used" etc. Tapos dapat ung final answer mo ay kumpleto. Hindi pwedeng "5" lang. Dapat "5 apples are left" Kailangan daw talaga kasama yun. Kasi daw "Anong FIVE? Five na aso? Five na kalabaw? Ayun. Nakakaloko lang eh. Tapos assignment pa or seatwork eh 5-10 word problems. Tapos kelangan complete format. Oh my. Katamad lang.

Tapos, mali mali na nga ako sa multiplication and division of large numbers eh dumating naman tong sina DECIMALS at FRACTIONS na lalong nagpagulo sa Math Life ko. Andyan ung mga tanong na "Alin ang mas malaki, 3/5 na cake o 6/8 na cake?" Ahh basta. Kahit alin pa yung mas maliit diyan, kakainin ko naman pareho eh. Tapos ung decimal sobrang haba pa. Yung tipong "4.2817283 x 7.1823819" Hmm. Eh wala ngang ganyang pera eh. Ano yun giniling na barya?

Hindi ko pa man naiintindihan nang mabuti yung decimal at fraction na yan. Heto na naman ang kasunod. Akala ko sa English lang may letters. Aba! Bakit umalis sa alphabet ung mga yun at nakihalo sa numbers? Pinapahanap si "x", si "y",at kung sino sino pa. Yung sagot nga na number hindi ko mahanap eh, letra pa kaya?

Hanggang sa nakagraduate na ako ng elementarya, pero buti pa dito atleast medyo na intindihan ko pa yung concept ng Mathematics. At sa pagpasok ko sa High School, alam kong madadagdagan pa yung dapat kong malaman, tuklasin at hanapan ng mahiwagang sagot. At hindi nga ako nagkamali.....

Sa unang taon ko sa high school, isa lang ung math namin kahit nasa Science High pa ako. Yung Science namin yung dalawa nun. "Intermediate Algebra" yung tawag dun sa Math. Bale parang upgraded na basic ng Math. Doon na nagsimulang lalong magulo ang buhay ko. Andun 'yung hahanapin mo na sina x, y, z, at kung sinu-sino pa. Mas mahirap to kesa dun sa paghahanap ko sa value nila nung elementary. Mas malayo ata 'yung pinagtaguan nila. Minsan,nahahanap ko sila at minsan naman HINDI na. Baka naman naligaw na kasi kung saan yang si X eh. 

Nung first year HS ko, si Mam Manlapaz 'yung teacher namin sa Math. Siya din ung adviser ng section namin nun. Head na nga siya ng Mathermatics Department ngayon eh. Dito ko unang nagawa ung graphing na yan sa Cartesian Plane. Graph dito graph doon hanggang sa makabuo ka ng something. Basta nung first year ko unang na-encounter yang mga yan. Yung mga bagay na hindi ko alam dati. Nandyan na rin si ALGEBRA. Natatawa pa nga ako dati kasi di ko alam kung ano to. Akala ko a + b = c sa kadahilanang pang 1st sa alphabet si A at pangalawa si B kaya 1+2=3 so 3rd letter ng alphabet. Hahaha.

Nung second year naman namin, tatlo Math namin. Isang Advanced Algebra, Geometry at Basic Statistics. Science High nga kasi. Basta. Nakakainis kasi puro computation na lang. Dito ko na nasimulan lalong matakot sa Math. Nandyan si Mam Dimalanta sa Advanced Algebra namin na mabait pero ang bilis niyang magturo. Kahit madalas niyang kaharap ay yung board at favorite niyang tawagin si Kenneth kasi nasa unahan ng upuan, may natutunan din naman ako kahit papano. Si Mam Ongleo sa Geometry na kung saan mnemonic na mismo ung name niya sa subject niya. Ongleo for Angle. Ayan di na ko nalilito kung sino ang teacher sa subject na to. Hahaha. Si Sir Renante naman sa Basic Statistics. Si Sir yung madalas naka-bike sa school pag pumapasok. Hindi ko talaga naintindihan ung concept ng subject namin na yan. Puro kami TI-84 Plus- ito ung calculator na pwedeng pang-graph at pang solve ng kung anu-anu. Basta puro grouping activity lang na may hawak na calculator. Pero atleast ang natatandaan kong pinakanatutunan ko dito eh ung concept at pagkakaiba ng "mean, median,and mode" at ung mga statistical tool.

Isa lang ang Math namin nung third at fourth year. Mathematics III and IV. Si Ma'am Ramos ung teacher namin dun. For me, siya yung pinakamagaling so far na naging Math teacher namin. Magaling siyang mag-arrive kung paano tuturuan at pano ituturo ung lesson, at kung papano 'to padadaliin. Hanggang fourth year, naging magaling 'yung pagtuturo niya sa amin. Mas madalas na akong naka understand ng lessons. More on Algebra kami nung third year at circular, trigonometric,logarithmic at kung anu anu nung fourth year. Pero aaminin ko, minsan hirap na hirap ko talagang intindihin parin ung lessons. Mabagal ako sa mental problems.

At ngayong nasa UP Manila ako, lalo nang nagulo ang buhay ko dahil sa Math 17. Joke! Pero diba, jokes are half meant daw.Kaya ganun ung sinasabi kong "joke". Si Sir Kristofer Dizon 'yung professor namin sa Math 17. "Actually" magaling siya. Minsan nga lang talaga may hindi ako naiintindihan kasi mabilis ung phasing nung mismong subject. Tapos lagi pa akong late sa Math na first period namin every Monday and Thursday. Pero kung may King of Late talaga eh si Joseph 'yun. May algorithm pa nga diyan eh, if (Joseph comes late) Prof is There; else if(Joseph is early) Prof is Out. Yan yun! Halos 90% effective yan. Hahaha!
Mabalik tayo sa kwento. So ayun na nga. Dahil sa late ako,madalas namimiss ko ung ibang lessons at ung icebreakers. Icebreakers- ito yung mga pauso ni sir Dizon na minsan may sense,minsan mako-corny-han ka lang. Hahaha. Pero ito ung madalas na inaabangan ng buong block. Sisigaw na lang kami ng "Icebreaker! Icebreaker!" hanggang ilabas na ni sir 'yung icebreaker niya or 'yung dila niya para mang-asar na walang icebreaker. Maraming terms and lines yang si sir Dizon na mahilig gamitin, andyan ung "WLOG(Without Loss of Generality), "actually...", "bahala kayo", "as ComSci majors...", at ang favorite ng block- "Ay bobo!"
Basta. Nakakatuwa yang si sir Dizon. Wag niyo lang gagalitan, nagiging "alien" yan. It's hero time! Joke! Matututo ka talaga diyan. Saka considerate sa extra points. Kay sir Dizon ko rin natutunan ung mga piecewise function, yung pinaka-concept ng domain at range, nakakatuwang derivations ng formula, shortcuts and techniques sa pagsolve sa algebra, at yang graph na nag-eextend up to Infinity na may infinite solutions at marami pang iba.

Siguro hanggang dito pa lang 'yung maibabahagi ko tungkol sa karanasan ko sa Mathematics. Mula sa simpleng pagbibilang sa kamay,representation ng numbers using sticks, sticks na naging graph ng algebraic functions na umabot hanggang sa Infinity. 'Yan ang Math!

Bilang pagtatapos, masasabi kong kailangan talaga yang Math. Hindi mo man directly maa-apply sa buhay mo 'yung ibang natutunan mo, tiyak magagamit mo rin yan.Hindi mo man gamitin ang mga 'toh sa pagbili sa tindahan at pagmamaneho ng kotse, magagamit mo to sigurado sa iyong pag-aaral para makapasa ng kolehiyo at makatapos at magtrabaho para may pambili ka sa tindahan at pambili ng kotse at bahay. Puhunan din ito sa ibang trabaho gaya ng engineers,architects at iba pa. Basta lagi mo lang isasaisip na kailangan 'to. Magtiwala ka lang. Hindi man ngayon,baka sa susunod na mga panahon.

Ang buhay natin parang MATH. May VALUE. May POINT. May FUNCTION. Bawat PROBLEMA, may SOLUSYON. Huwag mong hayaang i-RESTRICT ka ng bawat pagsubok. Kahit gaano pa STEEP ang SLOPE ng aakyatin mo para makuha 'yung gusto mo, lagi mong iisiping kaya mo yan. BILOG ang mundo.Maaaring ngayon, nasa VERTEX ka nung PARABOLA na opening upward, malay mo bukas iba na. LIMITADO lang ang araw para mabuhay. Magpakasaya at abutin ang pangarap. ADD happiness. SUBTRACT hate. MULTIPLY love. DIVIDE uncertainties. 

No comments:

Post a Comment