Monday, September 3, 2012

Under Construction

"It has been a long time since I saw a group that is so promising and potentially good... and whenever they play, they seem to naturally enjoy every moment of it! - Maestro Celso Espejo 
It was 2009 when I joined The Performing Arts Group of Marcelo H. Del Pilar National High School. I was just 2nd Yr. High School that time. That time, I just want to have some extra-curricular activites. Gusto ko lang 'nun na magkaroon ng extra grade sa MAPEH, kelangan kasi pressured ako na pataasin ang grades dahil sa parents. Isa pa, 'yung mga kaibigan ko kasi na peer-pressure din ako. Sumali ako sa MHPNHS Rondalla at Angklung.  Si Sir Allan Alba 'yung adviser nun. Natanggap naman kami. Nag-iipon pa kasi ng members nun. Kaka-simula pa lang ng pag-revive sa Rondalla. Focused nga pala 'to sa Rondalla.

History muna. Years ago, may Rondalla na talaga. As far as I know, it has been established even before 2000's. Sir Cartel was the mentor that time. Nananalo na sila n'un pa. Most Outstanding Performer in NAMCYA National Music Festival 2000. Makalipas ang ilang taon. Napag-iwanan na ito. Hanggang tuluyan nang mawala. It was Sir Allan Alba who tried to revive the 
group.

Halos kaka-establish pa lang ng grupo nung nasali kami. Kasama sa grupo 'yung ibang seniors namin. Octavina 'yung hawak ko nun at ng mga kaibigan ko. 'Yun na lang kasi yung bakante. Ang paniniwala namin nun, pag lalaki dapat octavina. Pag babae dapat banduria.Haha! May isa akong kaibigan na lalaki na humawak ng banduria.Si John Agustin Escudero. Siya lang sa mga kaibigan kong lalaki sa grupo 'yung iba sa'min. Natural musician 'yung classmate ko na yun. He's too good para sa isang taong walang formal education sa music. Kayang-kaya niya tugtugin kahit anung kanta na sabihin mo if alam niya yung song. Cool ano?!

Let's go back at the topic. Ayan 'yung picture ng Octavina. Banduria, guitar, octavina, double bass, percussion ang main instruments sa isang Rondalla




Mula 2nd Yr. hanggang bago bakasyon, si Sir Cartel ang nagtuturo sa grupo. We learned some basic pieces. Hindi pa kami masyadong naiimbita sa mga programs. Under construction pa talaga 'yung grupo. 

It was summer vacation ng malaman namin na may bagong magtuturo sa grupo. Na-schedule agad 'yung kauna-unahang praktis namin. Dun namin nalaman kung sino 'yung bago magtuturo sa'min. He's Mr. Nelson Espejo. 
He's the son of Maestro Celso Espejo of the world-renowned Celso Espejo Rondalla. Syempre, nung una wala pa kaming alam tungkol kay Sir Nelson at sa grupo nila. Hindi namin alam na sa larangan pala ng Rondalla, their group was one of the best... or should I say- "The BEST"?!

I really liked his style of teaching. Hindi siya nagagalit. Pinaunahan niya na kami nun. "Hindi naman kailangang magalit." Parami ng parami 'yung natututunan naming pyesa nun. Classical Music. Yan ang genre ng Rondalla. Simula noon, lalo na akong nahilig sa classical music. Sa pagkakatanda ko ito yung ilan sa mga pyesa na tinuro niya sa amin.
  • Mexicana
  • Da Wo Die Wolga (German)
  • The Prayer (One of my favorite)
  • Belender
  • The Entertainer(Scott Joplin)
  • Ang Tangi Kong Pag-ibig
  • Mabuhay
Nung 3rd Yr. High School,kasali parin kami kasama 'yung seniors namin(3rd year dati). Dito na kami nag simulang magperform sa mga programs. Nung una sa school lang, but di kalaunan pati sa buong Malolos na. Minsan may mga malalayo ring venue, minsan may malaking events din. Masaya kayang kumain ng masarap pag nasa malaking event kayo somewhere. Hahaha!
Pero syempre, old school na ang classical music. Nakakalungkot man, sa panahon ngayon,wala na halos pumapansin sa mga ganitong klase ng music. Minsan habang nagpe-perform kami, nasasabi na lang namin "Hindi naman sila nakikinig eh. Hindi naman nila naa-appreciate eh." Pero syempre as a performer, dapat focus lang. Your aim is to perform even if the audience will appreciate you or not.

September that year, we're informed that there will be a contest in Tagum City, Davao Philippines. Musikahan Festival 'yun ng Davao na annual ginaganap. And together with that is the 3rd International Rondalla Festival. February yun. Sabay ang dalawang event. Sumali kami sa 3rd IRF at nagpadala kami ng video kaso di kami natanggap. So doon kami sa Musikahan sumali. Rondal-Awit yun. Three rondalla pieces. Isang foreign classical piece, isang pyesa na kelangang may kakanta, at isang pyesa na kayo ung bahala.

Nagkaroon pa ng konting pilian kung sino-sino 'yung dadalin sa Davao. Parang elimination ganun. Syempre nakakakaba. Chance na 'yun makapag-out-of-town eh. At makasakay ng airplane. Hahaha! And I want to experience performing for the school, for Bulacan. Fortunately, isa ako sa 30 na napili. Twenty-five(25) lang 'yung limit sa isang grupo. Pero thiry 'yung isasama. Doon na sa Davao magtatanggalan.Sakin, okay lang na matanggal nakasama na ako eh. Pero syempre mas masaya kung kasama ka sa magpe-perform. Pero parang basketball team and game lang yan. "Hindi ka man nagamit sa isang laro, ang panalo ng buong team ay panalo na ng lahat ng miyembro diba?"


Hmmm.. So ayun. Nakakuha naman kami ng suporta mula sa school at sa government ng Malolos at sa Capitolyo rin. Pero syempre hindi sapat yun. Kelangan pa namin ng dagdag budget para makasali kami. Davao kaya yun. Tapos 30 pa na students 'yung isasama bukod pa sa advisers, piling teachers, conductor atbp.

Perform dito, perform doon. Minsan as Rondalla kami, minsan naman as Angklung. Minsan naman sabay. Hahaha! Bukod pa sa tatlong piyesa na ipanlalaban namin, tinuruan din kami ni sir Nelson ng ibang classic na Christmas Songs gaya ng Winter Wonderland at White Christmas. May December 2011 pa bago 'yung February 2012 eh. So, kelangan pa naming mamasko para sa dagdag budget at baon.

'Yung tatlong piyesa nga pala namin na ipanlalaban ay: Pasa Doble No.1, Manang Biday para sa sariling-pili, at Mutya ng Pasig(Sylvia La Torre) para sa kakantahang piyesa. Si Ms. Rhona 'yung kakanta para sa amin. Dati siyang Del Pilarian na naging miyembro ng choir n'ung si sir Radie pa 'yung nagtuturo. Si Sir Radie 'yung conductor/trainor ng Koro Del Pilar, choir namin MHPNHS, noon at nung ma-re-establish din 'yung choir halos kasabay ng pagkaka-re-establish sa Rondalla. Si sir Radie nga rin pala 'yung magko-conduct sa'min imbes na si Sir Nelson. Hindi kasi siya pwede kasi magiging judge daw 'yung tatay niya na si sir Celso sa Rondal-awit. Alam niyo na. Siyempre sa oras na manalo eh baka ma-issue pa. 

Habang lumalapit na 'yung araw ng contest, lalo pang dumadami 'yung practice session namin. Personal pa nga kaming pinuntahan at tinulungan ni sir Celso eh. Sinubukan narin namin i-perform ung tatlong piyesa sa mga tinutugtugan namin. Pero siyempre, hindi masyadong naa-appreciate except dun sa Mutya ng Pasig. May kanta kasi eh. Dun ko pa lang naramdaman na talagang sincere 'yung palakpakang naririnig ko. Bihira lang kasi 'yun.

Hanggang sa dumating na nga 'yung araw na iyon. I mean, yung araw ng flight namin. Nagpractice pa kami the night before the flight. Yung iba sa school na natulog. Sila 'yung madaling araw 'yung flight. Ako kasama ako dun sa hapon 'yung flight eh. Tandang-tanda ko pa 'yun nung sinundo ako nina mommy at daddy. Gabing gabi na kasi 'yun. 

Pumunta kami sa airport ng maaga. Then ayun na. Lakad dito. Lakad doon. Tanggal nang tanggal ng sapatos at ng belt kasi kelangan eh. Ewan ko ba kung bakit. Dahil sa kaliwa't kanang scanning machines. Hay nako! Hanggang nakasakay na kami sa airplane. Dati nakikita ko lang 'yun na lumilipad sa himpapawid. Ngayon nakasakay na'ko. Syempre kinabahan ako nun. Nagdasal muna before the flight para sa isang "safe trip"

Dumating kami sa Davao after several hours. Masayang makalanghap ng ibang hangin, makakita ng ibang ambiance. Then sumakay kami sa bus. Pahirapan parin ipasok ang instruments. Ganun naman kami eh. Kahit sa mga performances namin sa Bulacan eh hirap na hirap kaming pagkasyahin 'yung mga instruments sa sasakyan. Ang laki kaya ng double bass. Dalawa pa! Haha! Sanay na sanay na kami sa siksikan eh. Hahaha. Sa Tagum City  National High School muna kami pansamantalang tumuloy n'un. Nung gabi din na 'yun pumunta kami sa City Hall of Tagum, doon kasi 'yung venue ng International Rondalla Festival at ng Musikahan eh. Under construction pa 'nun  yung city hall nila. Pero sobrang sobrang laki. Nanuod pa kami nung performance ng Espejo Rondalla kung saan siyempre nandoon si sir Nelson. Ang natatandaan ko, tumugtog sila ng Ole Guapa at Hooked on Can Can na ikinaaliw ng marami. Pinanuod din namin 'yung Phoenix Trio from Russia. Cool sila magperform at naaliw kami sa kanila. 

The next morning, practice parin. Sa mga sumunod na araw rin. Practice sa umaga. Gala sa hapon. Practice ulit sa gabi. Hanggang nasa huling araw na kami ng practice. Iyun 'yung araw na nagtanggalan. Nagtanggal ng lima. Unfortunately kasama ako sa hindi magpe-perform. Sa Octavina 1 kasi, ako lang 'yung third year. Masakit man, kelangang tanggapin. Medyo pessimistic din kasi ako kaya nailagay ko na 'yung damdamin ko sa pangyayaring hindi ako makakasama. Privilege narin naman yung makasama ka eh.  Lima kami na hindi nakasama. Noon din namin nalaman na hindi pala judge 'yung tatay ni sir Nelson. That means pwedeng siya 'yung mag-conduct. But nag-decision na si sir Radie parin ang kukumpas para samin.

Noong araw ng competition maaga kaming naghanda. Sumama parin kaming lima na hindi na magpe-perform. Moral Support. Naka-costume na rin kami. Hindi kasi natin alam 'yung mangyayari. Ikatlo sila sa nagperform. Siyempre habang nanunuod, nararamdaman ko 'yung lungkot but at the same time, yung saya. Hanggang matapos na 'yung huling performer. Magagaling silang lahat. Pero siyempre, doon parin kami sa grupo namin.


Few moments later, the winner was announced. We just grabbed all of the three awards. Champion, Best Conductor Award kay sir Radie, at Best Singer kay Ms. Rhona. Hindi namin masyadong expected na kami 'yung mananalo.Pero siyempre tuwang-tuwa kami nun. Tapos after na manalo, may performance pa. Sumama na kaming lima dun. Mas maganda na 'yung performance kasi wala na yung kaba. Saya lang talaga ng gabi na yun. One of the most joyful moment in my and in our lives. Mapapakanta na kami ng "We are the Champions..." Ibang galak talaga 'yun.

We spent the remaining days in Tagum na gumagala sa umaga, nagja-jamming sa hapon at gabi at minsan pumupunta sa City Hall. May time pa nga na naglakad kaming mga lalaki tapos naghanap ng computer shop eh. Hahaha! Lalo rin dumami 'yung pagkain. Biscuits, snacks, tapos ang hindi maubos-ubos na Milo. Kung may caffeine lang siguro 'yung Milo eh hindi na sila nakatulog. Umaga hanggang gabi. Milo! Hahaha! Nagkaroon din ng pa-ice-cream. Hahaha. Yung nakuha namin each from the prize which is hindi ko rin pwedeng sabihin eh secret din. Hahaha. Basta wala lang 'yung pera para sa amin. Ang maganda nakaani kami ng karangalan at taas-noo kaming babalik sa Bulacan bitbit ang tropeong aming napanalunan. Yeah \m/



Hmmm.. Medyo fast-forward ko na 'yung kwento ko. Haha. After naming umuwi. Ayun siyempre proud sila sa amin. Nagkaroon pa ulit kami ng kaliwa't kanang performances kung saan-saan. Napatunayan din namin na may mararating din 'yung himig na kadalasan ay hindi nila pinapansin.

After nung competition. Na-busy na kami sa pagprepare ng mga piyesa namin para sa Harvest of The Arts. Parang recital yun ng performing arts. Hindi lang kami. Pati 'yung ibang group. Halos kasunod na rin 'yun nung contest kaya isa lang 'yung nadagdag namin bukod sa Mutya ng Pasig at Manang Biday para sa recital. Ang tinuro sa'min ni sir Nelson eh yung Hooked on Romance. Parang medley siya ng classical romantic pieces. Phil Harmonic Orchestra yung gumawa nung medley na yun. Medley kaya mahaba pero ito 'yung pinakagusto kong piyesa namin. Hanapin niyo na lang sa youtube kung gusto niyong mapakinggan. 


Ayun na nga. Sa recital special sa Hiyas Pavillion, guest ang Celso Espejo Rondalla. Nakakamangha talaga sila kasi kahit classical music 'yung pinerform nila na kadalasan ay hindi pinapansin, nakuha parin nila 'yung attention ng audience. Nandun 'yung pumunta pa kami sa harap kahit magpe-perform pa kami para mapanuod lang sila. The best yung William Tell Overture. Hmmm. Hindi masyadong familiar 'yung title ng piyesa di ba? Pero pag narinig niyo yun, for sure matatawa kayo hanggang masabi niyo na lang, "Ito pala yung title nun." Naaalala niyo 'yung tunog kapag may nagkakarerang kabayo tapos pang-cartoon 'yung tunog? Yun un! Hahaha! Kung hindi pa malinaw sa inyo, check niyo na lang rin sa youtube(promoter?!).

Nung first performance namin, nakuha naman namin 'yung atensyon nila kasi Mutya ng Pasig yung tinugtog namin na kinantahan ni Ms. Rhona. Masasabi kong sincere na palakpakan ulit yung narinig ko. Sa last performance pa namin tinugtog 'yung Hooked on Romance. Kahit mahaba, nagandahan naman 'yung audience. Hanggang sa matapos na 'yung recital. Pagod. Gutom. Pero masaya. 

After nun. Medyo naging busy na kami sa school works. Pero nagpapractice parin kami. Bagong piyesa ulit kada meeting. Isa pa sa favorite ko eh yung Love's Theme ni Barry White. Love's Theme po. Hindi Love Team. Hahaha! Hi Kuya JV! Hahaha! Cool siya. Pakinggan niyo na lang din. Alam ko namang magiging curious ka kasi may "love" sa title. Hahaha.

Marami pa kaming naging piyesa. Nandyan din 'yung Pomp and Circumstance (Graduation March). Yup! Graduation march nga. Iyan yung madalas mong maririnig pag umaakyat ka na ng stage para kuhanin yung diploma atkung sakali ay yung medalya mo. Haha. Pati graduation nagpe-perform 'yung seniors namin na ga-graduate. Hay nako. Hahaha!

Fast forward ulit. Hanggang sa naka-graduate na sila. Pero tuloy pa rin silang umaattend kahit bakasyon. Napalitan 'yung dating name ng grupo into Marcelo Alumni Plectrumed Ensemble(MAPE) kasi nga alumni na yung seniors namin dati. Kahit bakasyon may gig parin (gig talaga eh 'no?!).

Hanggang dumating na 'yung academic school year 2011-2012. Senior na kami. Maraming bagong sumali. Halos mag-overload na 'yung club. parang dati lang ah. Under Construction pa. Pero atlast, dumami na rin kami. 'Yung grupo dati na wala halos pumapansin, marami na 'yung sumasali. Hmmm. Hindi natin maikakali na yung iba sa kanila, grade lang 'yung habol. 

Kami narin 'yung nagtuturo sa Juniors o yung mga bagong sali. Hindi na madalas makasama sa amin ung alumni kasi busy na rin sila sa college life nila. Si sir Nelson parin 'yung nagtuturo sa amin. Yung dating natira sa amin na MAPE, kumuha pa kami ng pwede pang i-develop na kasabayan namin kasi nagbabalak ulit kami na sumali ulit sa Musikahan sa Tagum. 'Yun na nga. Hanggang sa na-plano na sasali ulit kami. Siyempre, we have to defend our title. Mas madali na kaming nakahingi at nakapagpapirma ng proposal budget sa Capitolyo kasi alam na nilang kaya na naming manalo. Na-approve naman 'yung proposal kaya siyempre tuwang-tuwa kami. Nangarap na ulit kami at nag-iimagine na kung anu-anu 'yung gagawin ulit namin doon. 

Pero kadalasan, lahat ng tumataas, bumabagsak din sa huli. Parang Newton's Law of Gravitation. Dumating na 'yung sunod-sunod na problema ng grupo. Nagkaroon ng issue yung adviser namin hanggang sa napalitan na siya at MAPEH department na yung mag-handle ng lahat ng clubs under Performing Arts Group. Si Ma'am Cadaing na 'yung naghandle sa Rondalla at Angklung Ensemble. Kaya 'yung inaasam naming comeback sa Tagum eh wala nang kasiguraduhan. Unti-unting lumabas 'yung mga problema. Dumalang na nang dumalang 'yung practice hanggang sa hindi na kami tinuruan ni sir Nelson. Kulang na raw sa budget. Wala akong alam nang gaano tungkol sa mga ito. Kung anu man 'yung nangyari, sa kanila na lang. Siyempre, pag wala nang trainor, paano pa kami lalaban ulit? Wala na! 

Ang naging plano, ang Koro Del Pilar na ang pupunta sa Musikahan sa Tagum sa February 2012 para lumaban sa Choir Competition. Siyempre, magkahalong emosyon 'yun para sa akin... para sa amin. Masaya para sa kanila. Atleast may representative na 'yung school dahil hindi na nga namin kaya. Pero siyempre malungkot rin. Sayang 'yung pagkakataon na makabalik at makasama rin 'yung ibang kaibigan kong hindi nakasama dati. Sayang talaga.

Nanalo naman ang Koro Del Pilar.Nag-uwi rin sila ng tropeo gaya nung sa amin dati. Proud din naman kami sa kanila. Isa ulit na karangalan. Pero siyempre, sa sarili ko, mas masaya sana 'yun kung kami rin ulit. Pero wala na. Masakit mang sabihin pero mukhang hanggang doon na lang siguro ang grupo.


Hanggang sa nakagraduate na kami. And take note, tumugtog din kami sa recognition at graduation namin. Hahaha! 

Hanggang ngayon, may Rondalla parin. MAPEH parin ang nag-hahandle. Pero hindi na sila masyadong active sa mga activites ngayon. Hindi na rin kami makabalik para magturo kasi busy narin kami sa college life namin. Buti pa nga ung choir eh may trainor pa rin, si Sir Radie. Pero malay natin, baka makuha ulit si sir Nelson at sila na 'yung magpatuloy ng mga pangarap naming nawala.

Bilang pagtatapos, masasabi kong naging napakasaya ko na naging parte ako ng isang grupo na natatangi sa iba. Masaya dahil nasaksihan ko ang pagbangon ng grupo mula sa kawalan hanggang sa unti-unti nitong pagbagsak. Sana, 'yung susunod na bubuo at magiging pundasyon ng papasirang grupo ay maging tapat sa kanilang mga sarili. Hindi dahil sa plus points, grades, pampalipas-oras kung hindi sa layunin nilang iparating ang himig ng aming musika na minsan nang hindi pinakinggan, pinagtawanan, at binalewala. 


Sana, maunawaan at maisapuso nila ang diwa ng pagpapasaya at pagbibigay ng ngiti sa bawat taong nakikinig sa kanila sa pamamagitan ng magandang himig at musika ng Rondalla.







7 comments:

  1. wow, salamat sa special mention, kahit hindi naman talaga nasabi yung pangalan ko.

    ang masasabi ko lang, ang rondalla ang nagpakulay sa highschool life ko. dito ko narealize na may talent pala talaga ako sa music. kaya ngayon, kahit geology ang course ko, hindi ko pa rin maiwanan ang rondalla kaya sumali ako sa UP rondalla kung saan ako lang ang natatanging member galing College of Science.

    iba talaga ang nagawa sakin ng rondalla. naging isang yugto sa buhay ko ito. at sa mga susunod na yugto pa, hindi na maaalis sakin ang pagiging musikero. masira man ang bandurria ko, matanggal man ako sa UPR, hindi na matatanggal sa puso't isipan ko ang musikan naghatid sakin ng kasiyahan.

    (sorry masyadong madrama.) :D

    ReplyDelete
  2. Drama bro. Pero dahil din dito kaya lalopa akong nahilig sa musika.

    ReplyDelete
  3. hellow james.. nice blog.. naiimagine ko yung mga moments mo dito.. napapdpad ako dito sa blog mo kakahanap ng itsura ni sir cartel.. i played angklung too.. at tumetrending xa smin.. anu ba itsura nun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sa magandang comment :))
      Si sir Cartel po ba? Hindi ko narin po kasi masyadong maalala ung histura niya. But one thing is for sure, he's strict :D

      Delete