" The only thing that won't satisfy the range of possible values to have is the "train". It has infinitely many solution. "
" UP- Madaling pumasok, Mahirap lumabas
LRT- Mahirap pumasok, mas mahirap lumabas "
Nasakyan mo na ba lahat ng klase ng transportasyong panlupa sa Pilipinas? Sa tingin mo, saan pinakamahirap sumakay? Mahirap sumakay sa dyip lalo na kung ung drayber eh ginagawang pang sampuan 'yung pang-waluhang dyip. Mas mahirap sumakay sa bus kung saan kadalasan eh isang oras o higit ka pang nakatayo kung mamalasin ka. Sa lugar kasi namin, pag mag-aabang ka sa bus eh swerte na kung makakaupo ka pa sa t'wing sasakay ka. Pero kung pahirapan lang sa pagsakay, wala nang tatalo sa pagsakay sa
LRT o Light Rail Transit. Sa Metro Manila lang meron nito kaya kung luluwas ka rito eh malaki ang posibilidad na sasakay ka rito. Kung nagmamadali ka sa pagpasok sa eskwelahan o sa opisina o sa iyong pupuntahan eh ito na ang pinakamainam na sakyan dahil matrapik ang kalsada sa ka-Maynilaan. Kaya lang, marami kang dapat na malaman bago mo tangkaing sumakay dito.
Sa
United Nations kasi 'yung
University of the Philippines Manila kaya kailangan kong sumakay sa LRT Line 1 para makapunta rito 6 na beses sa isang linggo. Hindi pa man ganoong katagalan eh masasabi kong naranasan ko na ang iba't ibang hirap sa pagsakay rito at alam kong marami pang susunod. Ang layunin ko sa post kong ito ay bahagian ka ng mga impormasyon base sa mga naranasan ko. Pero bago ang lahat kailangan munang ipaliwanag sa ang mga salitang maaaring hindi mo maintindihan.
Light Rail Transit - Dito iikot ang buong kwento tungkol sa post na ito. Tren ito sa kalakhang Maynila na talaga namang gamit na gamit ng mga tao. Mayroong Line 1, Line 2, at Line 3 o mas kilala sa tawag na
Metro Rail Transit(MRT). Sa LRT Line 1 pa lang ako nakasakay kaya hindi ko masyadong mababanggit ung iba.
Magnetic Card - Ito 'yung dapat meron ka para makasakay.Bibili ka muna syempre at malas malas mo langpag mahaba 'yung pila tapos may humintong skip train sa istasyon nyo. Aw </3. May dalawang klase nito. Single Journey ticket at Stored Value ticket. Kung araw-araw ka naman na sasakay sa LRT, Stored value na lang ung bilin mo.Tipid na, mahahabol mo pa ung skip train. Hahaha!
Skip Train - Ito 'yung train na lumalagpas sa ibang istasyon para kumuha ng pasahero mula sa isang istasyon. Wala itong laman except sa kumokontrol nung tren kaya swerte mo pag nataon na merong ganito na huminto sa istasyon niyo. Makakaupo ka na! Yeah \m/
Yellow Caution Line - Ito yung linyang kulay dilaw na dapat hindi ka pwedeng lumagpas kung hindi sisitahin ka ni Manong Guard. Ito rin ung guide kung saan tatapat ung pintuan ng tren kapag huminto na ito.Mga 90% possibility lang naman na dito to hihinto. Sa Balintawak, walang ganito kaya kailangan mo talagang hulaan kung saan hihinto ang tren.
Handrails - Mga bakal/plastik na hawakan na dapat mong kapitan sa 'twing umaandar ang tren para di ka maaksidente. Uulit-ulitin naman yangipaalala nung drayber nung tren kaya maririndi ka na rin.
Driver/Drayber - ito muna 'yung gagamitin kong term para sa nagpapaandar nung tren,kumokontrol dito at nagsasalita ng mga paalala.
Light Rail Transit Authority - Handa silang makinig sa inyong opinyon o suhestiyon niyo. Sila din ung pwede niyong lapitan kung may problema man kayo na nangyari sa tren.
Sa halos apat na buwan ko pa lang na pagsakay sa LRT, marami na akong nakasalamuhang iba't ibang klase ng tao. At sa post na ito, mababasa mo ang iba't ibang klase ng tao na maaaring makasama mo sa iyong pagsakay. Narito sila.
The Daredevil - Sila 'yung mga taong mahilig sumabit at walang takot kung sumingit kahit na punung-puno na 'yung tren. Nandyan 'yung warning buzzer na eh papasok parin kaya ang ending eh naiipit ung bag nila sa pintuan ng tren. Sila din 'yung mga taong kahit mukhang di na sasara ung pintuan eh papasok parin. At isa pa, sila yung mahahangin na hindi na humahawak sa handrails. At first, makukulitan ka sa kanila. 'Yung tipong masasabi mo na lang na "Ano ba yan? Sikip-sikip na nga eh".Pero for sure, balang-araw, pag nasanay ka na magiging ganito ka na rin lalo na pag late ka na sa dapat mong puntahan. Caveat, maraming ganito sa bandang Monumento pero meron parin namang mangilan-ngilan sa bawat station.
The Tractor - Sila naman 'yung mga taong malakas manulak. 'Yung tipong parang wala nang kasunod na tren. Sila din 'yung parang galit sa mundo kung manulak tuwing lalabas na kaya huwag haharang-harang sa pinto kung ayaw mong masama palabas. Huwag na huwag kang pupwesto sa yellow caution line kung ayaw mong matulak paloob nang walang kalaban-laban. Baka madapa ka pa.Madaming tao dun kaya baka pagtawanan ka lang. Caveat, minsan kahit di pa bumubukas ung pinto eh nanunulak na sila. Ingat ka! Hahaha!
The Parrot - From the connotative meaning of "parrot" which means "maingay". Sila 'yung mas malakas pa magsalita kaysa sa "announcer" ng tren kapag nakikipag-usap. 'Yung para bang magkabilang-dulo sila makipag-usap sa kakuwentuhan. Isa pa, sila din yung madalas mong maririnig na "
Aray!","
Sikip naman!", etc. Ang mga Parrot ang pinakamadalas na may nakakasagutan sa tren. Kung hindi sa sobrang ingay nila, dahil naman sa sobrang kaartehan nila tapos sinisigaw pa. Caveat, wag mo nang tangkaing sabayan ang ingay nila at itulak ang mga "parrot" kung ayaw mong masigawan. Pero useful tip, kung ayaw mong napapahiya after kang pagalitan,sabihin mo lang "Kung ayaw mo nang masikip, edi mag-taxi ka".Promise! Effective yan.
The Radio - Ang mga taong kabilang dito eh yung mga taong sobrang lakas magpatugtog ng music o kahit ng ringtone lang. 'Yung tipong nakaloudspeaker na nga tapos hindi pa nakaheadset na animo nasa disco. O nakaheadset nga pero rinig mo parin 'yung tugtog kahit malayo pero puro nakakainis lang naman na dance hits ung pinapatugtog. Kung gusto mong makisakay sa trip nila, sumayaw ka na rin tapos hanap ka ng kapartner mo para talagang magmukha na kayong nasa disco. Wag mo nang tangkaing tawagin sila kasi hindi ka nila papansinin.
The Veteran - Ito 'yung mga taong halong "
Tractor" at "
Daredevil" at mauutak. 'Yung tipong magugulat ka na lang mauuna pa siya sa'yo. Alam na niya kung saan hihinto ang tren. Alam na din niya kung saan pupwesto para di mahirapan. Sanay din siyang manulak, manguna sa pila, sumabit at sumingit. Perfect na sana siya kaso madalas, madaya yan sa pila. Caveat, try practice ang technique ng pag box-out. Ito lang ang tanging paraan para hindi ka maisahan ng mga tusong gaya nila.Hahaha!
Si Sir Dizon 'yung malaking example dito! Hahaha!
The Gabriela Silang - Sila 'yung mga babaeng mahilig sumingit sa masisikip kahit na may Women's Area naman. 'Yung tipong makikipagsiksikan sa mga lalaki tapos pag nabastos eh magagalit. Pero kahit ganun pa man, bigyan mo na lang sila ng upuan. Babae parin sila. Caveat, wag masyadong didikit sa kanila. Kung maganda tingin tingin lang. May nakadikit sa bintana ng tren tungkol sa "
Acts of Lasciviousness". Baka mahuli ka lang kung mali 'yung technique mo.
The Butterfly - Ito term na ginamit ko para tukuyin ang mga taong mahiyain/maarte/mapili sa tuwing sasakay ng LRT. Ayaw na ayaw nila ung masikip kaya pag napunta sila sa Monumento, baka di na sila sumakay pwera na lang kung skip train na. Kung sila ung nasa harapan at kasabay mo t'wing sasakay ka, swerte mo!
The Spacebar - Ito'yung klase ng mga taong makonsumo masyado sa espasyo sa tren. Kung hindi man sila ung tao na sumasakop ng upuan na para sa dalawang tao eh sila naman ung masyado kung humawak sa handrails. 'Yung tipong matakaw din sa espasyo sa handrails na nakapalupot ung kamay kaya walang makahawak sa handrails. Caveat, lagi mo na lang silang uunahan sa upuan or sa handrails kung hindi, MALAS mo!
The PWD's, senior citizens, person with child, and pregnant - Sila 'yung mga taong dapat mong bigyan ng mauupuan. Mas nangangailangan sila kesa sa'yo at isa pa, maraming stickers dun na may nakasulat na "This seat is for the PWD's, senior citizen's person with child and pregnant" Basta parang ganyan. Be gentleman!
The Thief - Hindi naman sila mawawala kahit saan sa Pinas. Ingat ka lang dahil maraming ganito sa LRT at sobrang galing nila kaya di mo mamamalayan na naisahan ka na nila. Wala namang hold-up dun sa pagkakaalam ko kasi kung subukan man niya eh gulpi-sarado siya sa mga tao. Dami kaya nun. Caveat, ialagay ang bag sa harapan! Nuff said.
The Foreigner - Kung unang beses kang sasakay sa tren, kabilang ka sa kanila. Siguro for one to two weeks kang makakabilang sa kanila kung first time mo lang sasakay. Sila ung mga taong walang muwang sa mundo este sa pagsakay sa LRT. Napagdaanan ko na to. Kasabay ko pa nga ung tatayko eh. Napunta kami sa Women's Area. malay ba namin.Syempre pinalipat kami. Mahirap talaga pag first time. Maninibago ka pa. Kung gusto mo ng tips ng mga do's and don'ts sa LRT,intayin mo yung next post ko.
Sila ang ilan lamang sa mga taong makakasalamuha mo sa iyong pagsakay sa tren. Ikaw na ang bahala kung paano ang magiging diskarte mo. Sa palagay mo, sino ka sa kanila? Mahirap pang masabi. Magbabago ka rin pagdating ng ilang panahon. Mula sa pagiging "
foreigner" eh baka maging "
daredevil" ka na sa huli. Wag lang "
thief" ah. Hahaha. Sana nakatulong sila para kahit papaano ay magkaroon ka ng ideya bago ka pa sumakay sa LRT.Kung dati ka pa namang nakasakay sa rito eh dagdag kaalaman na rin yan.
It's better to be prepared for war rather than shocking yourself when entering it. For more tips, kindly wait for my next post. Salamat sa pagbabasa. Sundan ang susunod na kabanata...
**Paalala: Ang post na ito ay base laman sa karanasan ng may akda. Ito ay bunga lamang ng kanyang ekspresyon para maipamahagi ng maayos at maganda ang post na ito.